Ang Developmental Fund on Immigrant Issues ng Ministry of Welfare ng Iceland ay nagkaloob ng pondo na isk 800,300 taong 2013 para sa ating proyektong:
Pagsulong ng mga paraan upang mas maunawaan ng mga Pilipinong magulang ang kahalagahan ng wikang kinagisnan at bilinggwallism sa Iceland.
Tagapangasiwa ng proyekto: Fríða Bjarney Jónsdóttir, Kriselle Lou Suson Cagatin, Candace Alison Loque.
Isa sa mga proyekto ang makabili ng mga librong nasa wikang Filipino at Cebuano na maaaring hiramin na ngayon ng mga bata, magulang, at maging ang mga paaralan dito sa Iceland. Maraming salamat kay Rósa Björg → ng Móðurmál → para sa pag-catalogue ng mga libro ng wikang Filipino sa Gegnir! Ngayon, nakarehistro na sa Gegnir ang mga libro ng ating organisasyon na pwedeng mahiram ng mga bata, magulang at mga paaralan dito sa Iceland. Magpunta lamang sa Hólabrekkuskóli tuwing Sabado o hanapin sa gegnir.is ang “Filippseysk mál” para makita ang listahan ng mga librong pwedeng hiramin. Karamihan ng mga libro ay bilinggwal sa wikang Filipino at Ingles. May ilan ding mga libro sa wikang Cebuano, Ilonggo, Kapampangan, Hiligaynon, atbp.