Ang mga klase ng wikang Filipino ay tuwing Sabado sa Fellaskóli (Reykjavík) mula 1–3 PM. Magpalista na dito →
- Una hanggang ika-apat na baitang (6–10 taong gulang)
- Ikalima hanggang ika-pitong baitang (11–13 taong gulang)
Kung maraming 3–5 taong gulang na mairerehistro sa Fellaskóli (Reykjavík), maaaring gumawa kami ng panibagong grupo para sa kanila.
Ang mga klase ng wikang Filipino tuwing Sabado sa Myllubakkaskóli (Keflavík)
- 3–5 taong gulang mula 10:30–11:30 am
- 6–10 taong gulang, mula 12:00–2:00 pm
Magkakaroon ng labindalawang klase na magsisimula sa ika–6 ng Pebrero hangang ika–30 ng Abril. (Sa ika–26 ng Marso ay walang pasok dahil sa Semana Santa). Sa ika–7 ng Mayo magkakaroon ng munting salu–salo at selebrasyon ng araw ng pagtatapos.
Bakit nga ba kailangang matutunan ng mga anak ang ating kinagisnang-wika habang dito tayo nakatira sa Iceland? Andito ang ilang mga kasagutan
Para sa karagdagang impormasyon, suhesyon at tanong, mag-email lamang sa filipino@modurmal.com, o magpunta sa Filipino → o tumawag sa 7700469.
Nais mo din bang magturo ng iyong wika sa mga bata? May mga libreng silid-aralan sa Fellaskóli tuwing Sabado na pwede ninyong magamit. Magpunta lamang sa Móðurmál → o mag–email sa modurmal@modurmal.com