Manigong bagong taon po sa inyong lahat at maraming maraming salamat sa taong nagdaan! Sa ating bayanihan at tulong-tulong na maging matagumpay ang pagtuturo ng ating inang wika sa mga anak natin.
Sa kasamaan palad ay hindi po tayo magkakaroon ng pagtuturo ng wikang Filipino at Bisaya mula Enero–Mayo taong 2014 dahil sa kakulangan ng oras sa pag-oorganisa at pagtuturo. Ngunit hindi po dito magtatapos ang pagtuturo natin sa ating mga anak ng Filipino at Bisaya sa ating mga sariling tahanan. Napakagandang balita po dahil nakabili at bibili pa ng mas maraming libro ang organisasyon natin sa wikang Filipino at Bisaya. Iniipon po natin ang mga librong ito at ido–donate sa pampublikong aklatan para mahiram ng mga kabataan at magulang. Ito po ay bahagi ng ipinagkaloob na halaga ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan (Developmental Fund on Immigrant Issues) na nakalaan sa proyektong “Pagpapaunlad ng mga paraan upang lumawak ang kaalaman ng mga Pilipinong magulang tungkol sa bilinggwalismo at kahalagahan ng kanilang inang wika“. Ang kabuuang report ng proyektong ito ay ilalagay din sa website na ito.
Parte din ng proyekto ang paggawa ng isang maikling video tungkol sa mga multilinggwal na Icelander, kung paano sila lumaki na maraming wika sa paligid at ang kanilang mensahe para sa mga magulang na katulad natin.
video →
Fjöltyngdir Íslendingar
Gleðilegt nýtt ár og takk kærlega fyrir árið sem er nú liðið! Takk innilega fyrir samstarfið og stuðningur ykkar við árangursríka móðurmálskennslu fyrir börnin okkar.
Því miður verður móðurmálskennslu á filippseysku og Bisaya ekki í boði á vorönn 2014 vegna tímaleysi skipuleggjanda og kennara á þessari önn. Þrátt fyrir það, við höldum áfram að kenna móðurmál okkar heima hjá okkur. Sem betur fer fengum við styrkir frá Velferðaráðuneyti úr þróunarsjóðu um innflytjendamála síðustu árið fyrir verkefninu “Að þróa leiðir til að auka meðvitund filippseyskra foreldra um mikilvægi móðurmáls og þróun tvítyngis”. Heildarskýrsla um verkefnið verður birt á þessara vefsíðu.
Hluti af þessu verkefni er að kaupa bækur á filippseyskur og Bisaya. Við erum nú að safna bækurnar sem renna til borgarbókasafna þannig að foreldra g börn geta fengið bækurnar lánað. Einnig var gert myndband um fjötltyngdir Íslendinga. Þau tala um hvernig er það að vera tvítyngd og skilaboð þeirra til foreldra sem eru að ala upp tvítyngd börn.